Obligasyon kong maglayag, karapatan kong pumunta sa kung saan ko gusto, responsibilidad ko ang buhay ko.
Nalaman kong habang lumalaki ka, maraming beses kang madadapa. Bumangon ka man ulit o hindi, magpapatuloy ang buhay, iikot ang mundo, at mauubos ang oras.
Kung matatakot kang harapin ang totoo at sabihin ang talagang nararamdaman mo dahil baka masaktan ka, isa lang ibig sabihin noon: ipinagkait mo na sa sarili mo ang pagiging masaya at kinarir mo ang magpakatanga.
Makakapili ka ng lugar na uupuan mo, pero hindi mo mapipili ang taong uupo sa puwang sa tabi mo… Ganyan ang senaryo sa bus. Ganyan din sa pag-ibig… Lalong ‘di mo kontrolado kung kelan siya bababa.
Nakalimutan na ng tao ang kabanalan n’ya, na mas marami pa s’yang alam kesa sa nakasulat sa Transcript of Records n’ya, mas marami pa s’yang kayang gawin kesa sa nakalista sa resume n’ya, at mas mataas ang halaga n’ya kesa sa presyong nakasulat sa payslip n’ya tuwing sweldo.